Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 
About Me Member One who left DA and came back! JesuskrisstMale/Philippines Recent Activity Deviant for 3 Years
Needs Premium Membership
Statistics 92 Deviations
442 Comments
4,768 Pageviews

deviantID

Si Bathala ang Mundo

Fri Mar 6, 2009, 1:01 PM
Nakatapak sa isla habang sinasala ang asin sa karagatan
Lumusong sa tubig at binangga ang mga alon sa dalampasigan
Kinuyumos ang putik sa palad at ibinunton sa kabundukan
Ang munting lupain ay pinalawig sa sigaw ng bulkan
Sumipol ng malakas para lumabas ang preskong hangin
Pininturahan ng asul ang langit para lumamig ang pakiramdam
Itinanim ang mga buto mula sa ibang kalawakan
Sumibol ang damo hinigit ang sanga’t dahon
Ang damo ay naging halaman at ang halaman ay naging puno
Binigyan ng pag ibig ang bawat nilikha
Namulaklak ang mga puno namulaklak ang mga halaman
Nadagdagan ang kulay sa luntian
Namunga ang mga punla at naging prutas ang buhay
Ang similya sa dagat ay lumangoy sa tamang oras at panahon
Ang buhay sa dagat ay lumakad sa buhangin at lupa
Tumakbo ang mga ito sa kapatagan patungong kabundukan
Tumapak sa mataas na bato at lumipad sa kalangitan

Mata niya ang ulap at seryosong nag mamasid
Nakatapak sa isla habang sinasala ang asin
Ang tubig na nasala ay pinadaloy sa kanyang puso
Sa gitna ng lupa umusbong ang tubig tabang kung tawagin
Dumaloy ito sa kanyang mga ugat na ilog
At namahagi ng lakas sa bawat buhay
Ang kanyang isipan ay kasing liwanag ng araw
Sa bawat panahon mababasa ang kanyang kaugalian
Laruan lang niya ang bolang umiikot sa kanyang mga kamay
Iginuhit lang niya ang iyong katauhan
Isinulat niya ang iyong kaalaman
At biniyayaan niya tayo ng talino
Para matuklasan natin ang kanyang kahalagahan at yaman.

“Si Bathala ang Mundo”

  • Mood: Content
  • Listening to: Francis M
  • Watching: The It Crowd
  • Drinking: Milk

Devious Info

  • Interests: Mind reading
  • Favourite movie: Quills,Amadeus,Fight club
  • Favourite photographer: Shaquille O'neal....
  • MP3 player of choice: Ipod... doon ka!
  • Personal Quote: Ang mundo ay tatsulok! baka mahulog ka.
  • Tools of the Trade: Rancho patata,Siszzling sisig at 1bucket ng Red horse......plssss

deviantART Community Board

[x]

Comments


Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner
Hidden by Owner

Site Map